Martes, Agosto 9, 2011

Kalungkutan Ako lang ang may Batid...

Nasasaktan ako ngaun, marahil sa sobrang kbagutan ko sa sarili ko n unti-unti nagppahina sa buo kong pagkatao. Ang bawat segundo'y tila nawawalan ng halaga, bawat hininga ay unti-unting nagppahina sa puso kong puno ng pait at dusa. Hindi ko alam kung panu nagsimula ito pero sa abot ng aking katantuhan ay tila nag-ugat ang lahat ng bagay  ng dahil sa PAG-IBIG. Anu nga bang rason kung bakit nagmmahal ang isang indibidwal, bakit kahit walang humpay ang sakit ay patuloy pa rin ang pagtibok ng pusong umaasang susuklian din ng tunay ng pagmamahal. Lahat nagsisimula sa magandang samahan pero habang lumilipas ang bawat araw ay unti-unti ding kumukupas ang ligayang noon ay nadama..Nasasaktan ako. Oo inaamin ko. Ang tanging alam ko lang, ang pag-ibig ay isang bagay n maaring maghatid ng lubos n kaligayahn o di kaya'y pait sa pusong umaasa na minsan sa buhay sa buhay ay makakaramdam ng maitnit n pagtanggap buhat sa isang taong hindi mo inakalang dadating...